Top 10 Filipino Films 2016

Mahilig ako sa movies at sinusuportahan ko ang quality Filipino films. Kanya-kanya tayo ng panlasa at trip pero sigurado ako na worth it ang mga gusto ko at dekalidad, hindi cheap panlasa ko. Hahaha! Kaya ito ang 2016 Top 10 Favorite Filipino Films ko. 

 

1. Ma’ Rosa

Ma'Rosa

Directed by Brillante Mendoza.

Starring Jaclyn Jose, Julio Diaz, Andi Eigenmann, Baron Geisler, Neil Ryan Sese, Jomari Angeles, Mercedes Cabral, Felix Roco, Mark Anthony Fernandez, Mon Confiado and Maria Isabel Lopez.

Puro katotohanan ng ating lipunan. Real na real! Ramdam mo yung bawat eksena, yung kahirapan, yung tensyon at sitwasyon. Napakagaling ng mga actor lalo na ang Cannes Best Actress Jaclyn Jose. Its a Masterpiece!

 

2. Pauwi Na

Pauwi Na

Written and Directed by Paolo Villaluna.

Starring Cherry Pie Picache, Bembol Roco, Meryl Soriano, Jerald Napoles, Chai Fonacier and Jess Mendoza.

Ang pelikulang ito ay tungkol sa paglalakbay ng isang pamilya patungo sa kanilang tunay na tahanan. Salamin ito ng pamilyang Pilipino na gusto umahon sa buhay. May haplos ng pagka-artsy pero hindi ka bibitawan hanggang dulo. Mahusay ang buong cast, walang tapon. Masaya siya panoorin ngunit habang papunta sa dulo iiwanan kang tunganga at mapapaisip ka hanggang mag-uwian na dahil may nanalo na!

 

3. 2 Cool 2 Be 4gotten

2 cool 2 be 4gotten

Directed by Petersen Vargas.

Starring Khalil Ramos, Jameson Blake and Ethan Salvador.

Napaka-sentimental ng atake ng pelikulang ito. Malinis at napakaganda ng teknikal. Sumi-Xavier Dolan. 😀  Unpredictale siya sa akin at dark kaya wag kang mag-eexpect na masaya siya na tulad ng iba. Shocking ending. Its so mindfucking cool to forget.

 

4. Women of The Weeping River

Women of the Weeping River

Directed by Sheron Dayoc.

Starring Laila Putli P. Ulao, Sharifa Pearlsia P. Ali-Dans, Taha G. Daranda, Dalma D. Baginda, Hasim P. Kasim and Mohammad Yusop A. Hajiraini.

Kung gusto mong makalanghap ng mga pangyayari sa Mindanao, panoorin mo ‘to. Mumulatin ka, kakatukin at gigisingin. Ang huhusay ng mga bagong actor dito lalo na QCinema Best Actress Laila Ulao. Saludo talaga ko sa adbokasiya’t sining ni Direk Sheron Dayoc.

 

5. Mercury Is Mine

Mercury Is Mine

Directed by Jason Paul Laxamana

Starring Pokwang and Bret Jackson

Masaya panoorin, hindi pilit na comedy. Mahusay si Pokwang dito. May social commentary tungkol sa pagtrato ng Pinoy sa mga Foreigner o Amerikano na minsan nagtutulangan at minsan naggagamitan. Akala mo puro patawa lang pero may laman siya. Malinamnam, minsan maalat-alat at minsan manamis-namis. Mahusay talagang director at writer si Direk Laxamana, gawa pa kayo ng ganito please!

 

6. Pamilya Ordinaryo

Pamilya Ordinaryo

Directed by Eduardo Roy Jr.

Starring Ronwaldo Martin and Hasmine Killip.

Raw and powerful. Napakatapang nang pagkakasulat nito, walang tinatago. Natural at walang kaartehan na drama, deretso ang atake. Masasabon ka dito! 😀 Madadala ka sa mga karakter at pangyayari, yung tipong gusto mo tumambay sa Metropolitan Theater o Recto kasama sila.

 

7. Sunday Beauty Queen

Sunday Beauty Queen

Directed by Baby Ruth Villarama.

Starring Rudelyn Acosta, Cherrie Mae Bretana, Mylyn Jacobo, Hazel Perdido and Leo Selomenio.

Deserved nito manalo ng MMFF 2016 Best Picture. Iba talaga pag realidad ang usapan. Buong sinehan napatawa at nakurot ng pelikulang ito. Kahit saan talagang lugar sa mundo may kwentong Filipino tayong maririnig, malungkot man pero nagagawa pa din natin mag-celebrate sa kabila ng mga ito. Ang sarap ihug ng mga cast. Hais. 

 

8. Vince & Kath & James

Vince & Kath & James

Directed by Teodore Boborol.

Starring Julia Barretto, Joshua Garcia and Ronnie Alonte.

Yeah Millenials! One of the best of Star Cinema. Napaka-young, fresh, cute at awesome ng pelikulang ito. Makakarelate ka sa iba’t ibang paraan. Surprising yung success ng chemistry dito ni Julia at Joshua. Makikita mo rin talaga si John Lloyd kay Joshua, ang husay! Kung gusto mo kiligin bukod sa pag-ihi mo, eto kailangan mo!

 

9. Die Beautiful

Die Beautiful

Directed by Jun Robles Lana.

Starring Paolo Ballesteros, Christian Bables, Gladys Reyes and Joel Torre.

Bago sa panlasa ang pelikulang ito, tungkol sa isang transgender na ginampanan ni Paolo Ballesteros at sinamahan pa ni Christian Bables kaya sumabog ang galing ng tandem nila. Napakasaya, napakakulay, may drama at lahat-lahat pa ng pasabog nandito na, kaya  tinangkilik talaga ito. Iba talaga haplos ni Jun Robles Lana.

 

10. Ang Babaeng Humayo

Ang Babaeng Humayo

Directed by Lav Diaz.

Starring Charo Santos Concio and John Lloyd Cruz.

La La Lav talaga to! Kaya expect mo ang mahaba-habang pelikula to. Hindi mo naman mararamdaman ang apat na oras dito, maraming ganap, hindi ka mamadaliin at kahit black & white siya, buhay na buhay ang kwento. Dapat panoorin ang mga ganitong klaseng obra dahil tatak Pinoy ‘to.

 


11. Seklusyon – Erik Matti

12. How To Be Yours – Dan Villegas

13. Hele Sa Hiwagang Hapis – Lav Diaz

14. Oro – Alvin Yapan

15. Sakaling Hindi Makarating – Ice Idanan

16. Star na si Van Damme Stallone – Randolp Longjas

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s